Book cover

Habang Ating Tinatanggap

Mga Himno, 103


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Habang ating tinatanggap Ang kay Jesus na sagisag, Ating isipi’t tiyakin, Puso’t kamay, dalisay rin.

2. Dugo ni Cristo’y binuhos Para sa atin do’n sa krus, At napawi’ng kalungkutang Tadhana ng sanlibutan.

3. Ang kay Cristong kamatayan Ang bayad sa katarungan, Nang tao’y ’di na alipin Ng kamatayan, ng libing.

4. Ngunit muling mabubuhay, Kailanma’y ’di mamamatay, Walang hangganang lalagi, Si Cristo ang maghahari.