Book cover

Sino’ng Panig sa Diyos?

Mga Himno, 162


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sino’ng panig sa Diyos? Ipabatid ngayon. Itong aming tanong: Sino’ng panig sa Diyos? Digmaa’y kakaiba, Kalaba’y kaysigla. S’ya ay nakahanda; Sino’ng panig sa Diyos?

Sino’ng panig sa Diyos? Ipabatid ngayon. Ito’ng aming tanong: Sino’ng panig sa Diyos?

2. Kami’y nagsisilbi Sa natatanging Diyos. Kami ma’y kaunti, Lakas nami’y lubos. Kami’y magwawagi, Wala kaming takot. Panginoo’y atin; Sino’ng panig sa Diyos?

Sino’ng panig sa Diyos? Ipabatid ngayon. Ito’ng aming tanong: Sino’ng panig sa Diyos?

3. Sasakop sa mundo Ang Simbahang tunay Sino ang tutulong, Sino’ng panig sa Diyos? Sagisag sa mundo, Ngayo’y ’tinatanghal, Matapang ang lahat; Sino’ng panig sa Diyos?

Sino’ng panig sa Diyos? Ipabatid ngayon. Ito’ng aming tanong: Sino’ng panig sa Diyos?

4. Lupa at imp’yerno, Lakas nila’y laan Sa pagsugpo nitong Gawa ng ating Diyos. Kalayaa’t buhay, At katotohanan, Ang ’pinaglalaban; Sino’ng panig sa Diyos?

Sino’ng panig sa Diyos? Ipabatid ngayon. Ito’ng aming tanong: Sino’ng panig sa Diyos?