Book cover

Aba ang Puso

Mga Himno, 100


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Aba ang puso sa pagyuko, Ang iisipin, O Diyos, ay Kayo. Tinapay at tubig ay tatanggapin. Tanda na wika N’yo’y gugunitain.

2. Nawa’y tulungang magunita Na sa Kalbaryo, Kayo’y nagdusa. Nang walang hanggang buhay, matanggap ko, Matutong higit na maging tulad N’yo.

3. Upang Kayo ay matularan, Tinatanaw ko ang kalangitan. Nang aking matutunan ang paraan, Kahalagahan ko’y mapatunayan.

4. Bawat araw ng aking buhay, Gabay ng Espiritu’y ibigay. Sa pagsisikap na puso’y mabago, Tulungang higit na maging tulad N’yo.