Book cover

Mga Elder ng Israel

Mga Himno, 198


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Mga elder ng Israel, sa’ki’y umanib At ating hanapin ang mga mat’wid. Sa disyerto, bundok, lupa, o tubig, At dalhin sa Sion na may pag-big.

Paalam na, Babilonia, kami’y lilisan, Sa bundok ni Ephraim maninirahan.

2. Ani ay kay laki, tauha’y ’di sapat; Ngunit kaya rin kung tutulong lahat. Ang palay ay ibubukod sa damo, at papawiin, dusa at siphayo.

Paalam na, Babilonia, kami’y lilisan, Sa bundok ni Ephraim maninirahan.

3. Mga kapuspalad, ating tutulungan, Halimbawa ni Cristo ang susundan. Puso’y pasiglahin sa ebanghelyo, Landas tungong Sion, ating ituro.

Paalam na, Babilonia, kami’y lilisan, Sa bundok ni Ephraim maninirahan.