Book cover

Kayong mga Tinawag na Maglingkod

Mga Himno, 199


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kayong mga tinawag na maglingkod sa Diyos; May pagkasaserdote, pinili N’yang lubos Nasa mundo’y mangaral, nitong ebanghelyo, Kaligtasan ng tao, itanghal sa mundo.

2. Makamundong hangarin ay h’wag hahayaan Na inyong pagkatao ay kanyang dungisan Habang nagpapahayag, sa bayang himbing: “Ihanda ang sarili sa Kanyang pagdating!”

3. Iwaksi nang tuluyan, ang kapalaluan. Manalangin, manahan sa katotohanan. Espiritu ang guro, dulot ay biyaya. Si Jesus ang kasama magpakailanman.

4. Biyaya’t pananalig, sa’yo’y naghihintay. Gantimpala’y l’walhati, walang hanggang buhay. Bigkis ng ani’y tangan, pagsapit sa Sion, ’Di na malulumbay pa, l’walhati ang naro’n.