1. Ang kabataan sa huling araw Ay matatag manindigan, Nangangakong palaging tutupad Bahagi niya’y gagampanan. Magiting na pinagmulan; Ang kanyang saligan. Haharapin ang lahat ng hamon Pangako niya’y katapatan.
2. Ang yakap nating katotohanan Nililibak kahit saan. Ngunit sa pagdinig at pagsunod Ating pagtatagumpayan, Kasamaang nagdudulot, Nitong kahinaan. Gabay na bakal ang s’yang aakay, At ligaya’y makakamtan.
3. Pagsubok at hamon nitong buhay, Ay ‘di dapat katakutan. Narito tayo upang maglingkod; Tayo’y Kanyang tutulungan. Magmahalan tayong lahat; Tayo’y magawitan, Ang kabataan sa huling araw, Ay puspos ng kagitingan.