Book cover

Diyos ay Sadyang Mahiwaga

Musika mula sa Liahona (1998–2020)


1. Diyos ay sadyang mahiwaga’t Makapangyarihan; Ang unos at karagatan Kanyang pinayapa.

2. H’wag matakot mga banal; Ulap mang madilim Magdudulot ng biyayang Ulan na kailangan.

3. Layon N’ya ay ihahayag, Sa ‘tin nang lubusan; Karanasan na kay pait, Maydulot ding tamis.

4. Bulag na paniniwala, Mababalewala; Sa Diyos may kaliwanagan, Linaw ng isipan.