1. Buhay ang aking Manunubos. Kay ligayang ito’y matalos! S’ya ay nabuhay na muli, Ang aking walang hanggang Hari. S’ya’y buhay! Sa ‘ki’y nagbibigay Ng pagibig na kay dalisay. S’ya’y buhay! Lunas ang alay N’ya Para sa uhaw kong kalul’wa.
2. Buhay S’ya upang ako’y bigyan, Patnubay sa bawat kailangan; Ginhawa S’ya sa pighati, Karaingan ko’y rinig lagi. S’ya’y buhay! Luha ko’t pangamba Sa t’wina ay pinapawi N’ya, S’ya’y buhay upang payapain Ang puso kong may paninimdim.
3. Buhay S’yang aking Kaibigan. Pagmamahal N’ya’y walang hanggan. Habang buhay, aawitan. S’ya’y buhay, Hari kailanpaman! S’ya’y buhay, at ang kamatayan Ay aking pagtatagumpayan. S’ya’y buhay! Kangang ‘nilalaan Sa langit ang aking tahanan.
4. Luwalhati sa Kanyang ngalan! Tagapagligtas kailanpaman! Ligayang aking matlos: “Buhay ang aking Manunubos!” Luwalhati sa Kanyang ngalan! Tagapagligtas kailanpaman! O ligayang aking matalos: “Buhay ang aking Manunubos! Buhay ang aking Manunubos!”