1. O, Panginoon, halina; D’on sa munting sabsaban? O, Dakilang Manlilikha, Sanggol sa abang dampa. Liwanag narito na; Mahal na Immanuel. O, Jesus, na Panginoon; Kami’y pakinggan!
2. Panginoon, ’yong lapitan, Mga pusong sugatan. Pag-ibig Mo’y walang hanggan, Sa piling Mo’y tatahan. Mal’walhating bumaba; Sa ’min ay mamahala. Luluhod, mananalangin; Nang makapiling!
3. Manunubos na Dakila, Liwanag sa Silangan. Ama naming walang hanggan; Pahirin aming luha! Mal’walhating bumaba; Sa ’min ay mamahala. Luluhod, mananalangin; Nang makapiling!