Book cover

Sino ang Sanggol na Ito?

Musika mula sa Liahona (1998–2020)


1. Sino’ng sanggol ang nakahimlay Sa kandungan ni Maria? Inawitan ng mga anghel, Habang pastol nagbabantay? Siya si Cristong Hari, Ang mundo ay nagbubunyi; Halina’t purihin Siya, Ang Sanggol, na Anak ni Maria.

2. Bakit doon Siya nakahimlay, Doon sa hamak na sabsaban? Mga Kristiyano’y sumasamo Para sa makasalanan. Krus, Kanyang pinasan, Sa atin buhay Niya’y inalay; Siya’y nagkatawang-tao, Ang Sanggol, na Anak ni Maria.

3. Insenso, ginto, at mira, Handog ng lahat sa Kanya; Sa Hari ng kaligtasan, Ang alay ay pagsamba. Awitin at himig, Hele ng birhen ay narinig; Si Cristo’y isinilang, Sanggol, na Anak ni Maria. Sanggol, na Anak ni Maria.