1. Saan man magpunta, ‘Di ako nag-iisa. Tagapagligtas ang kasama. Siya ang nagbabantay. Siya ang gumagabay. Nangakong ‘di ako iiwan. Sa pasaning mabigat, pagpapalain, Kanyang utos susundin.
Hahayo ako, Maninindigan. Kahit mundo’y lumayo, Siya’y lalapitan ko. At kung Siya ay susundin, at mananalig; Pasanin ko’y gagaan, landas ilalaan. Siya ang maglalaan.
2. ‘Pag ako’y nanghina’t nawalan ng lakas, Iisipin Kanyang biyaya. Sa ‘king paglalakbay, Dama kong ako’y mahal— Minamahal nang walang-hanggan. Siya’y nagbibigay sa ‘kin ng kalakasan Kanyang utos susundin.
Hahayo ako, Maninindigan. Kahit mundo’y lumayo, Siya’y lalapitan ko. At kung Siya ay susundin, at mananalig; Pasanin ko’y gagaan, landas ilalaan. Siya ang maglalaan
upang disyerto’y matawid, pati ang karagatan. Kung d’un ako isugo, Plano Niya’y susundin, Kanyang utos aking susundin, at sa lupang pangako, ako’y dadalhin.
Hahayo ako, Maninindigan. Kahit mundo’y lumayo, Siya’y tatanggapin ko. At kung Siya ay susundin, at mananalig; Pasanin ko’y gagaan, landas ilalaan. Siya ang maglalaan. Siya ang maglalaan.
Saan man magpunta, di ako nag-iisa. Tagapagligtas ang kasama.