Aklat ng mga Awit Pambata,
p. 2
Ako ay Anak ng Diyos
Ako ay Anak ng Diyos
1. Ako ay anak ng Diyos,
Dito’y isinilang;
Handog sa ’kin ay tahana’t
Mabuting magulang.
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
2. Ako ay anak ng Diyos,
Nangangailangang
Matutuhan Kanyang aral
Habang bata pa lang.
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
3. Ako ay anak ng Diyos,
Biyaya’y kakamtin;
Kung ang nais N’ya’y susundin,
S’ya’y makakapiling.
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
4. Ako ay anak ng Diyos,
T’yak ang pangako N’ya;
Magsikap lang, makakamtan
Ko ang l’walhati N’ya.
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
Titik: Naomi Ward Randall, 1908–2001. © 1957 IRI. Pang-apat na talata © 1978 IRI
Himig: Mildred Tanner Pettit, 1895–1957. © 1957 IRI. Isin. ni Darwin Wolford, p. 1936. Isin. © 1989 IRI
Titik: Naomi Ward Randall, 1908–2001. © 1957 IRI. Pang-apat na talata © 1978 IRI
Himig: Mildred Tanner Pettit, 1895–1957. © 1957 IRI. Isin. ni Darwin Wolford, p. 1936. Isin. © 1989 IRI