Page 53
Sa Aking Pagkabinyag
Sa Aking Pagkabinyag
1. Hanap ko’y bahaghari sa t’wing umuulan.
Batid ang ganda ng mundong nilinis ng ulan.
Buhay ko sana’y tulad ng mundong nalinisan,
Magpapakabait upang Diyos ay makasama.
2. Alam kong pagkabinyag sala’y mapapawi.
Ako’y mapapatawad at magpapakabuti.
Buhay ko sana’y tulad ng mundong nalinisan,
Magpapakabait upang Diyos ay makasama.
Titik: Nita Dale Milner, 1987; salin sa Tagalog, 2002, 202X
Himig: Nita Dale Milner, 1987
Salin sa Tagalog © 2002, 202X IRI; himig © 1989 IRI
para sa Boses at Gitara