Page 116
“Magbigay,” Wika ng Munting Sapa
“Magbigay,” Wika ng Munting Sapa
1. Ang sabi ng sapa,“Magbigay, magbigay!”Habang umaagos,“Magbigay,” ang wika n’ya.“Kahit munti saan man magtungoAng halama’y tutubo.
Aawit buong araw,“Magbigay, o! magbigay!”Aawit buong araw,“Laging magbigay.”
2. Ang sabi ng ulan,“Magbigay, magbigay!”Habang pumapatak,“Magbigay,” ang wika n’ya;“Ang bawat madiligang bulaklakMay sigla at may galak.”
Aawit buong araw,“Magbigay, o! magbigay!”Aawit buong araw,“Laging magbigay.”
3. Tularan si Jesus,“Magbigay, magbigay!”Ang bawat nilalangay may maibibigay;Tulad ng sapa at ng bulaklak:Sa Diyos alay ang buhay.
Aawit buong araw,“Magbigay, o! magbigay!”Aawit buong araw,“Laging magbigay.”
Titik: Fanny J. Crosby, 1820–1915
Himig: William B. Bradbury, 1816–1868. Isin. © 1989 IRI