1. Doon sa sabsaban, wala s’yang kuna,
Ang Panginoong munti’y nakahiga;
Tanglaw sa Kanya ang bitwing kay ningning,
Ang Panginoong munti ay kay himbing.
Tulog, (Tulog,) tulog, (tulog,)
ang ating Tagapagligtas!
Tulog, (Tulog,) tulog, (tulog,)
ang Diyos nating lahat.
2. Ang baka’y umungol, sanggol nagising;
Ngunit munting Cristo’y tahimik pa rin.
Jesus, na mahal ko, ako’y tanglawan,
Buong magdamag, ako ay bantayan.
Tulog, (Tulog,) tulog, (tulog,)
ang ating Tagapagligtas!
Tulog, (Tulog,) tulog, (tulog,)
ang Diyos nating lahat.
3. O, Panginoong Jesus, manatili,
Ako’y mahalin, at dito’y lumagi.
Lahat ng batang musmos, pagpalain,
At bawat isa ay sa langit dalhin.
Tulog, (Tulog,) tulog, (tulog,)
ang ating Tagapagligtas!
Tulog, (Tulog,) tulog, (tulog,)
ang Diyos nating lahat.
Titik: inialay kay Martin Luther, 1483–1546
Himig: Charles H. Gabriel, 1856–1932