Book cover

Maglakas-loob, Tama’y Gawin

Aklat ng mga Awit Pambata, 80


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Maglakas-loob, tama’y gawin! May nakatakda sa ’yong gawain; ’To’y gawin nang buong puso’t diwa; Mga anghel ay magbabalita.

Maglakas ng loob, Na ang tama’y gawin; Tama’y gawin, tama’y gawin.

2. Maglakas-loob, tama’y gawin! Ang mali ng iba’y h’wag gayahin. Ipaglaban ang ’yong pananalig; ’Sang bayani hanggang kamatayan.

Maglakas ng loob, Na ang tama’y gawin; Tama’y gawin, tama’y gawin.