Book cover

“Magbigay,” Wika ng Munting Sapa

Aklat ng mga Awit Pambata, 116


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang sabi ng sapa, “Magbigay, magbigay!” Habang umaagos, “Magbigay,” ang wika n’ya. “Kahit munti saan man magtungo Ang halama’y tutubo.

Aawit buong araw, “Magbigay, o! magbigay!” Aawit buong araw, “Laging magbigay.”

2. Ang sabi ng ulan, “Magbigay, magbigay!” Habang pumapatak, “Magbigay,” ang wika n’ya; “Ang bawat madiligang bulaklak May sigla at may galak.”

Aawit buong araw, “Magbigay, o! magbigay!” Aawit buong araw, “Laging magbigay.”

3. Tularan si Jesus, “Magbigay, magbigay!” Ang bawat nilalang ay may maibibigay; Tulad ng sapa at ng bulaklak: Sa Diyos alay ang buhay.

Aawit buong araw, “Magbigay, o! magbigay!” Aawit buong araw, “Laging magbigay.”