1. Ako ay malimit mamasyal sa parang, Mga bulaklak ay tinitipon ko. Bawat bulaklak na aking nakikita; Ikaw, o nanay ang s’yang alaala.
2. Alay ko sa bawat bulaklak, o nanay, Halimuyak ng pag-ibig kong tunay Ang hilig ko sa bulaklak at sa parang, Sa inyo, nanay, aking natutunan.