0:00
0:00
Audio
Minsa’y Naging Musmos si Cristo
1. Minsa’y naging musmos si Cristo, Isang batang tulad ko; At siya’y magalang at mabait, Dapat sa batang paslit.
Tayong mga bata, Ay magsipagsikap Na S’ya ay subukang tularan.
2. — S’ya’y mahilig ding maglaro, Pambatang laro’y gusto; Hindi niya ugali ang magdamdam. ’Pag hindi nakuha’ng asam.
Tayong mga bata, Ay magsipagsikap Na S’ya ay subukang tularan.
Titik: James R. Murray, 1841–1905
Himig: Joseph Ballantyne, 1868–1944
Titik: James R. Murray, 1841–1905
Himig: Joseph Ballantyne, 1868–1944