1. T’wing maririnig, huni ng ibon O langit ay mamasdan, T’wing madarama, patak ng ulan At ang hangin na kay inam. T’wing masasamyo ang bulaklak O daraan sa puno, Anong ligaya ako’y mapabilang Sa mundong likha ng Maylalang.
2. Mata’y likha N’ya nang makita, Sari-saring mga kulay. At mga himig naririnig Sa likha N’ya sa ’king pandinig, Sa aking buhay, isip, puso: Nagpapasalamat ako Lahat ng ito’y magsasabing Ako ay mahal ng Ama sa Langit.