Book cover

Babasahin, Uunawain at Mananalangin

Aklat ng mga Awit Pambata, 66


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Hilig kong laging binabasa, kasulatang banal. Espiritu’y dama, Sa puso ko t’wina, Nalalamang aklat ay tunay.

Babasahin ko, Uunawaing husto. Mananalangin; At patotoo sa puso’y kakamtin ko.

2. Kaya’t ako’y mananalangin Sa t’wing magbabasa Nang maunawaan, Kanyang kagustuhan At masunod ang nais N’ya.

Babasahin ko, Uunawaing husto. Mananalangin; At patotoo sa puso’y kakamtin ko.