1. (Bata) Turuang lumakad sa liwanag At manalangin sa ’king Diyos Ama; Turuang tama ay matutunan, Sa ’king buhay ako’y turuan.
2. (Magulang) Aking anak halina’t mag-aral Ng mga kautusan N’yang banal Nang Siya’y makapiling nating muli Sa liwanag mananatili.
3. (Sabay) Salamat po, O Ama sa Langit, Sa Inyong patnubay at pag-ibig. Papuri sa Inyo’y aawitin! Liwanag N’yo’y aming susundin.