Book cover

Ang Espiritu Santo

Aklat ng mga Awit Pambata, 56


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Noong nasa lupa Si Cristo’y nangako. Espiritu Santo sa ’tin Kanyang isusugo. Ito’y bumubulong Bilang munting tinig. Sa Diyos at kay Cristo ito’y Nagpapatotoo.

2. Pag pinagtibay ng Pagkasaserdote, Espiritu Santo sa t’wina sa ’ti’y lalagi. Ako sana’y laging Sa kanya makinig. Sa tulong n’ya pipiliin Ang tamang gawain.