1. Ang panahong kinagigiliwan, Pasko na ating inaabangan. Pagsilang ni Jesus ay ik’wento. Nang, bilang sanggol, ay pumarito.
2. Ang bagong tula, na sakdal ganda, Sa unang pasko’y ningning ang dala. Anghel ang naghayag ng pagsilang. Awit sa mundo’y kapayapaan.
3. Mga hayop sa kulungang hamak, Naging saksi nang siya’y ipanganak. Ang sabsaban may dayaming laman, Ang, kay Jesus, nagsilbing higaan.
4. Mga pastol na agad nagtungo, At nagsisamba nang buong puso. Mga magong sumunod sa tala, Handog ay ginto, insenso’t, mira.
5. Ang inang Maria ay pagmasdan, Si Joseng umakay nang marahan. Ang sanggol ng Bethlehem ay masdan, Tagapagligtas ng sanlibutan.