September 2021, page 23
Kapayapaan kay Cristo
Kapayapaan kay Cristo
1. Mapapayapa
Tayo kay Cristo.
Ang Kanyang pagmamahal
Ay matatamo.
Kanyang salita,
Ating pakinggan
Kung kilala si Cristo,
Mapapayapa.
Si Cristo ay
Nagbibigay
Ng pag-asa
at katatagan,
Masisilungan
Mula sa unos.
May kapayapaan
Tayo kay Cristo.
2. Mapapayapa
’Pag Siya’y sinundan
Sa Galilea hanggang
Sa Jerusalem.
Dusa’y pawiin.
Luha’y pahirin.
Siya’y tularan at tayo’y
Mapapayapa.
Si Cristo ay
Nagbibigay
Ng pag-asa
at katatagan,
Masisilungan
Mula sa unos.
May kapayapaan
Tayo kay Cristo.
May kapayapaan
Tayo kay Cristo.
Mga titik at himig ni Nik Day
© 2021 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang paalalang ito ay dapat isama sa bawat kopyang gagawin.