Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Halina, Tinig ng Propeta’y Dinggin
1. Halina, tinig ng propeta’y dinggin,Salita ng Diyos ay pakinggan;Maligayang himig ating awitin,Magdiwang sa katotohanan.Atin nang batid ang landas na sinundanNg mga naunang propeta.Upang ibalik itong kaalaman,Bagong propeta’y ’pinadala.
2. Kalungkuta’t kadilimang laganapDito sa buong sanlibutanAy pinawi na ng Tagapagligtas,At ang wangis N’ya ay namasdan.Naligaw ng landas, buong sanlibutanSa mga dating kamalian;Ngunit nakita na ng mga Banal,Tuwid at makitid na daan.
3. Kanilang tiwala ay ’di sa tao,At ’di sa kanyang kakayahan.Sinumang kay Cristo ay magkaila,Kakamtin ang kaparusahan.Ang wika ng Tagapagligtas sa lahat,“Sundin ang bawat kong salita.Mga palatandaa’y makakamtanNg may pananampalataya.”
4. Atin nang dinggin ang mga salitaNg katotohana’t liwanag.Buong giting na ang batas N’ya’y sundin,Tiyakin ating pagkahirang.Upang sa sagradong tinig ay marinig,Pangakong ika’y maghahari;Habang ligaya’t tuwa’y nadarama,Kabilang sa mga napili.