Number 35
Para sa Angking Kariktan ng Mundo
Para sa Angking Kariktan ng Mundo
1. Sa angking kagandahan
Ng mundo’t kalangitan;
Sa Inyong pagmamahal,
Laging nararamdaman,
Aming Diyos, Inyong dinggin
Himig papuri namin.
2. Sa ganda ng panahon,
Ng araw at ng gabi;
Ang lambak at bulaklak,
Araw, b’wan at bituin.
Aming Diyos, Inyong dinggin
Himig papuri namin.
3. Sa ligayang pagibig,
Maganak ang dahilan,
Sa lahat ng kaibigan,
Mabuting kaisipan,
Aming Diyos, Inyong dinggin
Himig papuri namin.
Titik: Folliott S. Pierpoint, 1835–1917
Himig: Conrad Kocher, 1786–1872