Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Ako’y Naniniwala kay Cristo
1. Naniniwala ako kay Cristo,Aawitan S’yang buong puso.Ang tinig ko’y iaalay,Buong lakas magpupugay.Naniniwala ako kay Cristo,’Sinilang S’ya dito sa mundo;Ang maysakit, napagaling,Ang ngalan N’ya ay purihin.
2. Naniniwala ako kay Cristo;Upang maghari’y pumaritoBilang anak ni Maria;Buong mundo’y ’niligtas N’ya.Naniniwala ako kay Cristo,Lahat ng sa Diyos ay natamo.Sa lahat ay Kanyang bilin,“Magsisunod kayo sa ’kin.”
3. Naniniwala ako kay Cristo;Kanyang gawad ang ebanghelyo.Buong pusong sasambahin,Liwanag ay alay N’ya rin.Naniniwala ako kay Cristo;Mga sala ko, S’yang umako.Manahang maligayaSa walang hanggang langit N’ya.
4. Naniniwala ako kay Cristo,Katuparan ng pangarap ko.Kahit may luha at lumbay,Pangako N’ya ang tagumpay.Naniniwala ako kay Cristo;Mapaano man ang buhay ko.S’ya sana’y makapiling koSa pagbalik N’ya sa mundo.