Number 142
Pasulong Tayo sa Luwalhati
Pasulong Tayo sa Luwalhati
1. Pasulong tayo sa l’walhati
Nang korona’y makamtan.
Ang panangga ay pag-ingatan,
H’wag bitiwan magpakailanman.
Sulong sa ating paglakad,
Tungo’y malayong lupain.
Buhay na walang hangganan
Ang gabay at layunin.
2. Araw-araw sa ’ting pagsulong,
Tungo ay kalangitan.
Mabuting gawa’y maglalapit
Kung saan korona’y kakamtan.
Sulong sa ating paglakad,
Tungo’y malayong lupain.
Buhay na walang hangganan
Ang gabay at layunin.
3. Mga tinubos ang kapiling
Tungo sa kaharian,
Sa Panginoo’y magpupuri,
Lakas N’ya’t awa’y makakamtan.
Sulong sa ating paglakad,
Tungo’y malayong lupain.
Buhay na walang hangganan
Ang gabay at layunin.
Titik at himig: John M. Chamberlain, 1844–1930