Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Tayo ay Kasapi
1. Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;O kaysaya! O kaysaya!Mga kawal, may nakalaang tagumpay;At ito’y ating makakamtan.Ating tunguhin ang labanan,Kalasag ay katotohanan.Ating watawat, iwagayway!At uuwi tayong may kaligayahan.
Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;O kaysaya! O kaysaya!Mga kawal, may nakalaang tagumpay,At ito’y ating makakamtan.
2. Dinggin! Ingay ng digmaan ay kaylakas;Makiisa! Makiisa!Kawal ay kailangan, sino’ng magkukusa?Sundan ang sagisag ni Jesus!Ang kapita’y nananawagan!Magmadali, h’wag magpaliban!Para kay Cristo ang labanan!At uuwi tayong may kaligayahan.
Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;O kaysaya! O kaysaya!Mga kawal, may nakalaang tagumpay,At ito’y ating makakamtan.
3. Mundo’y kalaban para sa kaharian;O kaysaya! O kaysaya!Tayo sa hukbo’y aawit nang may galak;Ang tagumpay ay makakamtan.Sa panganib ay h’wag mangamba,Si Jesus ay kapiling t’wina.S’ya’y sasagip at kakalinga!At uuwi tayong may kaligayahan.
Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;O kaysaya! O kaysaya!Mga kawal, may nakalaang tagumpay,At ito’y ating makakamtan.
Titik: Di-kil., The New Golden Chain, New York, 1866