Number 154
Lakas Mo ay Idagdag
Lakas Mo ay Idagdag
1. Kailangan ng mundo’y taongHanda na mag-ambag;Sa gawaing kaydakila,Lakas mo ay idagdag.
Lakas mo ay idagdag; gumawa,Tungkulin mo ay gawing may sigla.Walang dapat magpabaya,Lakas mo ay idagdag.
2. Simbaha’y nangangailanganNg pusong may habag,At ng kamay na daramay.Lakas mo ay idagdag.
Lakas mo ay idagdag; gumawa,Tungkulin mo ay gawing may sigla.Walang dapat magpabaya,Lakas mo ay idagdag.
3. H’wag mong sayangin ang oras,Kailangang magsipag.Kasalanan ay pawiin;Lakas mo ay idagdag.
Lakas mo ay idagdag; gumawa,Tungkulin mo ay gawing may sigla.Walang dapat magpabaya,Lakas mo ay idagdag.
4. Kumilos ka at magdasal,Palaging magmatyag.Buong giting magpunyagi;Lakas mo ay idagdag.
Lakas mo ay idagdag; gumawa,Tungkulin mo ay gawing may sigla.Walang dapat magpabaya,Lakas mo ay idagdag.
Titik at himig: Will L. Thompson, 1847–1909