Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Bilang Mga Kabataang Sion
1. Bilang mga kabataang Sion,Puso namin ay magiting,Sa ’ming mga mata’y nagniningning:Pangakong tungkuli’y tupdin.Dakilang nakalipas angSaligan ng bukas,At sa hamon ng kasalukuyan,Sumap’y katapatang wagas.
2. Mga paniniwala namin ayKinukutya nila t’wina,Sa ’ming pakikinig at pagsunod,Pag-iwas ay magagawa.Sa sala at kasamaangSa ’min ay sisira.Nananalig kaming tangan t’wina,Ebanghelyo ng ligaya.
3. Sa pagsubok man ay may pangamba,Dama pa rin ang pag-asa.Maglilingkod sa layuning mat’wid,May tapang at lakas t’wina.Magmamahal, matututoAt magtatagumpay.Bilang mga kabataang Sion,Magigiting at dalisay.