Number 161
Pag-asa ng Israel
Pag-asa ng Israel
1. Kabataang hukbong Sion,Pag-asa ng Israel,Hudyat ng Pinuno’y masdan,At digmaan ay simulan.
Pag-asa ng Israel,Katotohana’y taglay;Manalangi’t magbantay,Lupigin ang kaaway.
2. Ang kalaban ay kayrami,Gumon sa kasalanan.Pag-asa ng Israel, sulong,Nang tagumpay ay makamtan.
Pag-asa ng Israel,Katotohana’y taglay;Manalangi’t magbantay,Lupigin ang kaaway.
3. Ibagsak ang kamalian;Itanghal ang sandata.Sa bawat hakbang paglusob,Tagumpay ang makukuha.
Pag-asa ng Israel,Katotohana’y taglay;Manalangi’t magbantay,Lupigin ang kaaway.
4. Ang digma’y magwawakas na,Malulupig ang kaaway.Kabataang Sion, sulong,Gantimpala ang tagumpay.
Pag-asa ng Israel,Katotohana’y taglay;Manalangi’t magbantay,Lupigin ang kaaway.
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: William Clayson, 1840–1887