1. Ang katotohanan sa ’tinAy naipadarama,Kung utos ay ’di susundin,Pighati sa may sala!Kapwa mo’y h’wag hahatulan,Payo sa ’tin ni Jesus;Anumang sa ’yo’y igawad,Tanggapin mo nang lubos.
“Tagapagligtas na tunay,Kami po ay gabayanNang Kayo ay makapilingDoon sa ka langitan.”
2. Si Jesus sa ’ti’y nagwika,“Magpakumbaba kayo.”Kung nais maging dalisay,Mag mahal nang totoo.Sa t’wina’y ating sikapin,Mga utos N’ya’y sundin,Nasa tama kang landasinKung kapwa’y mamahalin.
“Tagapagligtas na tunay,Kami po ay gabayanNang Kayo ay makapilingDoon sa ka langitan.”
3. Minsan sa kapwa’y sinabi,“May dumi sa ’yong mata;Sa ’kin ’ya’y ipaalis kungKaibigan kang talaga.”Ngunit nang aking hanapin,Ang dumi’y ’di makita;Yun pala ay mas marungisAng sarili kong mata.
“Tagapagligtas na tunay,Kami po ay gabayanNang Kayo ay makapilingDoon sa ka langitan.”
4. Kung kapwa’y mahal kong tunayAt dumi’y aalisin,Higit na magliliwanagAng matang maramdamin.Kapwa ko’y pinagsabihanDahil sa munting dumi,Luha ko nawa’y pumawiNg sala kong kaylaki.
“Tagapagligtas na tunay,Kami po ay gabayanNang Kayo ay makapilingDoon sa ka langitan.”
5. Ang pag-ibig ay ginhawaAt lunas sa paningin,Pagpintas sa aking kapwaAy ’di tamang gawain.Pangamba’y limot kay Cristo,Pag-ibig N’ya’y nasa ’kin.Sala ng kapwa’y munti kungSa akin ihahambing.
“Tagapagligtas na tunay,Kami po ay gabayanNang Kayo ay makapilingDoon sa ka langitan.”
Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887; koro ni M. E. Abbey
Himig: Charles Davis Tillman, 1861–1943