1. Tinawag upang sa Diyos maglingkod,
At magpatotoo sa Kanya;
Kahit sa’n aming binabalita,
Ang pag-ibig ng Ama.
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, magsisulong habang nagsisiawit.
Diyos ating lakas; sulong, maglingkod,
Tinawag ng Diyos.
2. Tinawag upang biyaya’y kamtin,
Ang Ama nati’y isang Hari;
Ebanghelyo N’ya’y ipapangaral,
Papuri’y iaalay.
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, magsisulong habang nagsisiawit.
Diyos ating lakas; sulong, maglingkod,
Tinawag ng Diyos.