Book cover

Nasa Puso ng Pastol

Mga Himno, 134


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang mga alagang tupa, Nasa puso ng Pastol; Pag-ibig na Kanyang alay, Ay higit pa sa ginto. Ang “ibang” tupang nawalay Ay mahal din ng Pastol; Saanmang bundok o dagat Ay hahanapin sila.

Mga nawalay na tupa, Hanap nila’y kalinga; Mabilis S’yang sasaklolo, Sa kawan dinadala.

2. Ang mga alagang tupa, Nasa puso ng Pastol; Ngunit may napariwara At sila’y nagdurusa. Masdan, sila’y hinahanap, Hinahanap ng Pastol; Kaysayang ’binabalik N’ya, Bawat tupang makita.

Mga nawalay na tupa, Hanap nila’y kalinga; Mabilis S’yang sasaklolo, Sa kawan dinadala.

3. Ang “s’yamnapu’t s’yam na tupa,” Nasa puso ng pastol; At ang mga nawawalay Kanyang hinahanap din. Sa ’tin S’ya ay tumatawag, Dinggin, tinig ng Pastol, “Tupang sa aki’y nawalay, Sana’y inyong hanapin.”

Mga nawalay na tupa, Hanap nila’y kalinga; Mabilis S’yang sasaklolo, Sa kawan dinadala.

4. Pastulan ay may halina, Ang tubig ay kaytamis. Panginoon, tugon namin, “Opo, Kayo’y susundin! Bilang pastol ay tutulong; Pagmamahal ay nais. Mga tupang nawawalay Ay aming hahanapin.”

Mga nawalay na tupa, Hanap nila’y kalinga; Kami’y agad sasaklolo At tutulungan sila.