1. Ang mga alagang tupa,
Nasa puso ng Pastol;
Pag-ibig na Kanyang alay,
Ay higit pa sa ginto.
Ang “ibang” tupang nawalay
Ay mahal din ng Pastol;
Saanmang bundok o dagat
Ay hahanapin sila.
Mga nawalay na tupa,
Hanap nila’y kalinga;
Mabilis S’yang sasaklolo,
Sa kawan dinadala.
2. Ang mga alagang tupa,
Nasa puso ng Pastol;
Ngunit may napariwara
At sila’y nagdurusa.
Masdan, sila’y hinahanap,
Hinahanap ng Pastol;
Kaysayang ’binabalik N’ya,
Bawat tupang makita.
Mga nawalay na tupa,
Hanap nila’y kalinga;
Mabilis S’yang sasaklolo,
Sa kawan dinadala.
3. Ang “s’yamnapu’t s’yam na tupa,”
Nasa puso ng pastol;
At ang mga nawawalay
Kanyang hinahanap din.
Sa ’tin S’ya ay tumatawag,
Dinggin, tinig ng Pastol,
“Tupang sa aki’y nawalay,
Sana’y inyong hanapin.”
Mga nawalay na tupa,
Hanap nila’y kalinga;
Mabilis S’yang sasaklolo,
Sa kawan dinadala.
4. Pastulan ay may halina,
Ang tubig ay kaytamis.
Panginoon, tugon namin,
“Opo, Kayo’y susundin!
Bilang pastol ay tutulong;
Pagmamahal ay nais.
Mga tupang nawawalay
Ay aming hahanapin.”
Mga nawalay na tupa,
Hanap nila’y kalinga;
Kami’y agad sasaklolo
At tutulungan sila.
Titik: Mary B. Wingate, p. 1899
Himig: William J. Kirkpatrick, 1838–1921