1. Mga himig’ ng papuri
Sa Hari ng lahat,
Na S’yang namamahala sa
Langit, lupa’t dagat.
Purihin ang Kanyang ngalan
At kapangyarihan!
At S’ya ay ating sambahin,
Hari kailanpaman.
2. Sa Kanyang utos susunod
Ang mga daigdig,
At kanilang ’tinatanghal,
Dunong N’ya’t pagibig.
Purihin ang Kanyang ngalan
At kapangyarihan!
At S’ya ay ating sambahin,
Hari kailanpaman.
3. Maging ang munting bulaklak
At ang ibong maya
Ay kalinga N’ya at mahal,
’Pagkat Kanyang likha.
Purihin ang Kanyang ngalan
At kapangyarihan!
At S’ya ay ating sambahin,
Hari kailanpaman.
4. Kaya’t muling awitan ang
Ating Panginoon;
Sa papuri’t dala ngin n’yo,
Agad S’yang tutugon.
Purihin ang Kanyang ngalan
At kapangyarihan!
At S’ya ay ating sambahin,
Hari kailanpaman.