1. Tanglaw ko ang Diyos, bakit mangangamba?
Sa araw at gabi laging kapiling S’ya.
S’ya ang kaligtasan sa sala at lumbay,
Katiyakang ito’y Espiritu ang nagbigay.
Tanglaw ko ang Diyos,
Ligaya ko’t awitin.
Araw at gabi,
Gabay S’ya sa akin lagi.
2. Tanglaw ko ang Diyos, ulap ma’y dumating,
Ang pananalig ko’y sa langit ang tingin,
Kung sa’n habangbuhay si Cristo ang Hari,
Kaya’t ako’y ba’t sa karimlan mananatili?
Tanglaw ko ang Diyos,
Ligaya ko’t awitin.
Araw at gabi,
Gabay S’ya sa akin lagi.
3. Tanglaw ko ang Diyos, lakas ko rin ang Diyos,
Alam kong sa Kanya tagumpay ko’y lubos.
Aking kahinaan Kanyang pinapawi,
Sa aking pananalig, biyaya N’ya’y kayrami.
Tanglaw ko ang Diyos,
Ligaya ko’t awitin.
Araw at gabi,
Gabay S’ya sa akin lagi.
4. Tanglaw ko ang Diyos, lahat S’ya sa akin.
Sa Kanyang paningin, papanaw ang dilim.
S’ya’y Tagapagligtas, Manunubos, Hari,
Sa piling ng mga anghel, ako’y magpupuri.
Tanglaw ko ang Diyos,
Ligaya ko’t awitin.
Araw at gabi,
Gabay S’ya sa akin lagi.
Titik: James Nicholson, 1828–1876
Himig: John R. Sweney, 1837–1899