1. Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;
O kaysaya! O kaysaya!
Mga kawal, may nakalaang tagumpay;
At ito’y ating makakamtan.
Ating tunguhin ang labanan,
Kalasag ay katotohanan.
Ating watawat, iwagayway!
At uuwi tayong may kaligayahan.
Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;
O kaysaya! O kaysaya!
Mga kawal, may nakalaang tagumpay,
At ito’y ating makakamtan.
2. Dinggin! Ingay ng digmaan ay kaylakas;
Makiisa! Makiisa!
Kawal ay kailangan, sino’ng magkukusa?
Sundan ang sagisag ni Jesus!
Ang kapita’y nananawagan!
Magmadali, h’wag magpaliban!
Para kay Cristo ang labanan!
At uuwi tayong may kaligayahan.
Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;
O kaysaya! O kaysaya!
Mga kawal, may nakalaang tagumpay,
At ito’y ating makakamtan.
3. Mundo’y kalaban para sa kaharian;
O kaysaya! O kaysaya!
Tayo sa hukbo’y aawit nang may galak;
Ang tagumpay ay makakamtan.
Sa panganib ay h’wag mangamba,
Si Jesus ay kapiling t’wina.
S’ya’y sasagip at kakalinga!
At uuwi tayong may kaligayahan.
Tayo ay kasapi hangga’t may tunggali;
O kaysaya! O kaysaya!
Mga kawal, may nakalaang tagumpay,
At ito’y ating makakamtan.
Titik: Di-kil., The New Golden Chain, New York, 1866
Himig: William B. Bradbury, 1816–1868