1. Kaya mong paningningin,
Diwa mo at landasin,
Kung sa puso’y may sigla;
Karimla’y magwawakas
Anino’y walang bakas
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
Kung sa puso’y may sigla,
May maningning na ilaw
Na s’yang mangingibabaw,
Problema’y mawawala
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
2. Kaya mong paamuin
Ang pusong nagdidilim
Kung sa puso’y may sigla;
Munti man ang ligaya,
Ang hatid ay biyaya
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
Kung sa puso’y may sigla,
May maningning na ilaw
Na s’yang mangingibabaw,
Problema’y mawawala
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
3. Kaya mong magmabait
Sa kapwang nagigipit
Kung sa puso’y may sigla;
At s’ya’y daramayan mo
Sa pasanin n’yang ito
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
Kung sa puso’y may sigla,
May maningning na ilaw
Na s’yang mangingibabaw,
Problema’y mawawala
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
4. Kaya mong lumigaya
Sa mundong mayro’ng dusa
Kung sa puso’y may sigla;
Sa tanglaw na dulot N’ya.
Pag-ibig, madarama
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
Kung sa puso’y may sigla,
May maningning na ilaw
Na s’yang mangingibabaw,
Problema’y mawawala
Kung sa puso’y may sigla ngayon.
Titik: Helen Silcott Dungan, ca. 1899
Himig: James M. Dungan, 1851–1925