Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Mangagsilapit sa Kanya
1. Nilalakbay ko ang gabi,Kapag ako’y nag-iisa,At sa ilalim ng bituin,Ang Diyos aking nadarama.Ako’y sasamo’t luluhod,At sa ’king puso’y may tugon.Pasanin ko’y nawawala,At ang puso’y sumisigla.
2. Sa t’wing ako’y mayro’ng asamAt sa Kanya’y sumasamoKasaguta’y ’di mamasdan,Ngunit batid sa ’king puso.Bisig man N’ya’y ’di madamaSa pagsalanta ng unos,Ako’y ligtas kung sa KanyaAy mananalig nang lubos.
3. Anupaman ang suungin,O ang magbanta sa akin,Ako’y Kanyang ’nililigtas,S’ya ang tanggulan kong angkin.Sa Kanya ay magsilapit,Kayong mga naninimdim,Kayong hanap ay pahinga,Mangagsilapit sa Kanya!