Aklat ng mga Awit Pambata,
p. 38
Isang Sinag ng Araw
Isang Sinag ng Araw
1. Ang nais ni Jesus sa ’kin
Maging isang sinag;
Kanyang kagustuha’y sundin
Saanman magpunta.
Sang sinag ng araw
Ang nais sa ’kin ni Cristo
’Sang sinag ng araw,
Magniningning nang husto.
2. Maging mapagmahal sana
Sa bawat makita,
Maging isang halimbawa
Tulad ng nais N’ya.
Sang sinag ng araw
Ang nais sa ’kin ni Cristo
’Sang sinag ng araw,
Magniningning nang husto.
Titik: Nellie Talbot
Himig: Edwin O. Excell, 1851–1921
Titik: Nellie Talbot
Himig: Edwin O. Excell, 1851–1921