1. Espiritu ng Diyos Ama ay nagaalab,Ang kal’walhatian ngayon ay nagsisimula.Mga pangitai’t biyaya’y nagbabalikAt ang mga anghel sa lupa ay bumababa.
Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigayNgayon at magpakailanman, Amen at amen!
2. Ating pangunawa’y pinalalawak ng Diyos,Lahat ay pinanunumbalik tulad ng dati.Lumalaganap ang dunong at lakas ng Diyos,Ang tabing sa mundo’y nahahawing untiunti.
Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigayNgayon at magpakailanman, Amen at amen!
3. Pulong na taimtim ay ating idaraosUpang kaharia’y maipahayag sa mundo.Nang sa pananalig ating maangking lubos,Mga pangitain at biyaya buhat sa Diyos.
Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigayNgayon at magpakailanman, Amen at amen!
4. Pinagpalang araw kung ang tupa at leonAy magiging magkapiling nang walang alitan,At pagpapalain si Ephraim sa SionSa pagdating ni Cristo buhat sa kalangitan.