Number 4
Sa Tuktok ng Bundok
Sa Tuktok ng Bundok
1. Sa tuktok ng bundok,Bandila’y hinirang;Masda’t nagwagaywaySa sandaigdigan.Sa Deseret na payapa,Ang Sion ay makikita.
2. Batid pa rin ng Diyos,Dati N’yang pangako,Na ang ebanghelyo,Sa Sion uusbong.Liwanag N’ya’y matatanawNg mundo sa huling araw.
3. Ang Kanyang tahana’yDoon itatatag,At sa bawat dako,Ang kanilang hayag.Kami’y maglilingkod sa Diyos,At susundin, Kanyang utos.
4. Kautusang ganap,Tayo’y tuturuan.Upang buong mundo’yAting pamunuan.S’ya’y susundin walang hanggan,Ligtas lahat, yumao man.
Titik: Joel H. Johnson, 1802–1882
Himig: Ebenezer Beesley, 1840–1906