Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Unang Panalangin ni Joseph Smith
1. O kay ganda ng umaga!Araw ay sumisikat!Mga ibong umaawit,Himig ay anong tamis.Sa lilim ng mga puno,Nanalangin si Joseph,Sa lilim ng mga puno,Nanalangin si Joseph.
2. Lumuhod at nagsumamoSa kanyang panalangin,Nang lakas ng kadilima’yNagtangkang s’ya’y gapiin.Ngunit s’ya’y hindi natakot,Nagtiwala s’ya sa Diyos.Ngunit s’ya’y hindi natakot,Nagtiwala s’ya sa Diyos.
3. Nang bigla ay may liwanag,Na higit sa tanghali;At ang mal’walhating sinag,Ay kay Joseph lumagi.At sa kanya’y nagpakita,Diyos Ama at ang Anak,At sa kanya’y nagpakita,Diyos Ama at ang Anak.
4. “Joseph, dinggin mo ang tinigNg aking Ginigiliw.”Tinugon, kanyang dalangin,At sa Diyos s’ya’y nakinig.Kayligaya ng damdaminAt nakita n’ya ang Diyos;Kayligaya ng damdaminAt nakita n’ya ang Diyos.