Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Mga Banal, Halina
1. Mga Banal, halina’t gumawa,Maglakbay sa tuwa.Mahirap man ang ’yong kalagayan,Biyaya’y kakamtan.Makabubuting magsikapNang pighati’y ’di malasap.Ligaya ay madarama—Kay-inam ng buhay!
2. Ba’t luluha sa hirap at dusa?Lahat may pag-asa.Gantimpala ay ’di matatamoKung ika’y susuko.Maging handa at magiting,Ang Diyos ’di lilimot sa ’tin.Ihahayag ang salaysay—Kay-inam ng buhay!
3. Makikita, lugar na ’nilaanDoon sa Kanluran.Do’n kung saan may kapayapaan,Biyaya at yaman.Mga papuri’y awitinAlay sa Hari’t Diyos natin.Ito ang isasalaysay—Kay-inam ng buhay!
4. At masawi man sa ’ting paglakbay,Masaya, kay-inam.Malaya na sa hirap at dusa,Mat’wid ay kasama.Ngunit kung tayo’y maligtasAt pahinga ay matangap,Aawit nang buong sigla—Kay-inam ng buhay!