Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Sa Tatag N’yaring Kabundukan
1. Sa tatag n’yaring kabundukan,Aming Diyos, salamat po.Kami’y Inyong ginawaran,Ng lakas at kaligtasan.Ginabay ang liping Israel,Sa tahanang laan.
2. Sa kamay ng mga kalaban,Kami nga ay nagdusa,Tulong N’yo sa kahinaanAng S’yang nagpalakas t’wina.Sa harap nitong kalaban,Sumulong, pagod man,Sa tatag n’yaring kabundukan,O Diyos, salamat po.
3. Dito ay ligtas N’yong inakay,Sa bundok na tanggulan.Upang mapangalagaan,ang mula sa ibang bayan.Para sa saganang lupaAt agos ng ilog,Sa tatag n’yaring kabundukan,O Diyos, salamat po.
4. Kami ay tanod ng liwanag,Na ’di dapat magdilim,Kami’y bantay ng dambanaSa langit na kaytahimik.Tapang na sa Diyos nagmula,Makikita rito,Sa tatag n’yaring kabundukan,O Diyos, salamat po.
Titik: Felicia D. Hemans, 1773–1835; ini. ni Edward L. Sloan, 1830–1874