1. Araw, sumisikat, mundo’y gumigising,Ulap ng kadilima’y napaparam.Sa bawat ibayo, mundo’y maligaya,Sinasalubong, araw na kayganda.
O araw na maginhawa,Pagsikat mo’ng aming nasa.Purihin ang liwanag mo,O umaga ng milenyo.
2. Mga banal ay magtitipon sa temploUpang iligtas ang mga yumao.Maligayang mga kaibiga’y makita’tMakapiling sa araw na kayganda.
O araw na maginhawa,Pagsikat mo’ng aming nasa.Purihin ang liwanag mo,O umaga ng milenyo.
3. Laging isabuhay ang aral na tunay,Laan ng Diyos para sa ’ting paglakbay.At O kayligaya! Ating makikitaSi Cristong Diyos sa araw na kayganda.
O araw na maginhawa,Pagsikat mo’ng aming nasa.Purihin ang liwanag mo,O umaga ng milenyo.
4. Ating samahan ay banal at dalisay,At sa piling ni Cristo’y mamumuhay.Hanggang bawat bayan ay ating kasamangMagpupuri sa araw na kayganda.
O araw na maginhawa,Pagsikat mo’ng aming nasa.Purihin ang liwanag mo,O umaga ng milenyo.
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: William Clayson, 1840–1887