Number 40
Diyos na Lubhang Makapangyarihan
Diyos na Lubhang Makapangyarihan
1. Diyos na lubhang makapangyarihan,Lumikha ng tanang kagandahanDito sa kalangitan at mundo,Awit namin ang alay sa Inyo.
2. Pag-ibig N’yo dati’y aming gabay;Sa lupang ’to, Kayo’y pumatnubay.Sana’y maging Hari at PanguloAt susundin t’wina ang landas N’yo.
3. Sa salot at maging sa digmaan,Inyong lakas, s’ya naming tanggulan.Palakasin, aming pananalig,Kapayapaan ang aming hiling.
Titik: Daniel C. Roberts, 1841–1907
Himig: George W. Warren, 1828–1902